Tagalog Blog

AWIT at PAPURI

by Anna Katharina on December 11, 2010

in Amen,Community,Family,Tagalog Blog,Traditions

A Brink Notes Podcast Network show which aims to proclaim the Word of God to Filipino Catholics all over the world.

The AWIT at PAPURI (Psalms and Praises) Podcast is the reading of the Word of God (Ang Salita ng Diyos) according to the liturgical calendar of the Roman Catholic Church. This production is Brink Notes Podcast Network’s response to Pope Benedict XVI’s call that “we must sail on the digital sea” and “give soul” to the Internet.

Also proponents of this online project have realized that Catholic content available online in Filipino language are very few, if not none at all. This online project aims to provide Catholic content in Filipino language to Filipino speakers worldwide via the Internet.

In his address to the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines during its Ad Limina Apostolorum visit last November 29, 2010, the Holy Father has also asked the Catholic laity proficient in social communications to “take their proper place in proposing the Christian message in a convincing and attractive way.”

The AWIT at PAPURI (Psalms and Praises) Podcast is also our way of spreading the word of God in Filipino and serves as our family apostolate.

Downloading / listening to AWIT at PAPURI is free. You can listen to it :
Via the dark green flash player
Via manual download
Subscribe via iTunes
Via RSS Feeds

Miracle Machine wishes to whip up 12 miracles in 12 days through Facebook in time for the Christmas season.

Tama na lang ba ang “Merry Christmas” sa darating na pasko? Ibig ninyo bang maging makabuluhan ang inyong “12 days of Christmas? Ito na ang Miracle Machine ng Miracle whip, naglalayon na bigyang buhay ang diwa ng paskong Fiipino.

Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagpapakita ng pagmamahalan sa ating pamilya, kaanak , mga kaibigan at lalong lalo na sa mga taong nangangailangan. Ano ang diwa ng pasko kung ito’y di mo maipadama sa karamihan?

Ang Miracle Whip sa pamamagitan ng Miracle Machine campaign ay naghahangad na palawakin ang diwa ng kapaskuhan sa loob ng 12 na araw , 12 “charitable organization”, ay naghain sa atin ng kanilang “christmas wish” ngayon panahon ng kapaskuhan. Simple lang ika nga ang mga ito, pero napakahalaga para matupad ang kanilang adhikain na sana magkapagbigay saya ngayong pasko sa mga nasasakupan ng kanilang mga proyekto.

Kythe Foundation
Jamboree Mountaineers
Childhope Asia
Kaeskwela
Philippine Animal Welfare Society (PAWS)
Sagip Buhay and Philippine General Hospital
Firefly Brigade and Tiklop Society
Tahanang Walang Hagdan
Resources for the Blind
Museo Pambata
St. Martin de Porres Charity Home
12th miracle

Isang click lang ang  “Miracle Machine”, punta na sa Facebook at gawing makabuluhan ang pasko ng iba nating kababayan.

ARAW NG MGA GURO SA BUONG MUNDO

by Anna Katharina on October 5, 2010

in Events,Newsbits,School,Tagalog Blog

World Teachers‘ Day 2010 “Recovery Begins with Teachers”

Pinagdiriwang ngayon Octubre 5, 2010 ang Araw ng mga Guro sa Buong Mundo. Binibigyang pansin natin ang mga guro  para sa kanilang natatanging papel sa paghubog sa mga bata, kabataan o matanda man.

Matagal din akong napabilang sa mundo ng pagtuturo para sa aking mga mag-aaral, pasyente at higit sa lahat sa aking mga anak. Kabilang pa dito ang aking panunungkulan sa Kagawaran ng Edukasyon sa loob ng 15 taon at duon nakasalamuha ang mga pampublikong mga guro at mag-aaral. Nakita ko ang kalagayan at mga dapat gawin para mahikayat pa na pumasok sa paaralan ang nakakarami.

Hindi kaila ang naging ambag ng bawat guro na nagdaan sa natin sa pagtatapos ng ating mga kurso. Ganito ang kalagayan ko ngayon dahil din sa kanilang paghubog na itinuro sa akin.

Ngayon na ako’y isang guro din, ang pasasalamat ay hinahandog ko sa aking mga naging mag-aaral. Napakarami na nila, malamang ang iba ay nasa ibang bansa na at nagpapatuloy na maging masikap at matagumpay.

Salamat at dahil sa inyo natuto akong maging guro na makabuluhan para sa makabagong panahon.

“A teacher’s purpose is not to create students in his own image,

but to develop students who can create their own image.”
Anonymous