December 2011

Merry Christmas !

by Anna Katharina on December 25, 2011

in Events,Family,Journal,Traditions

Peace of mind and heart this Christmas!

May God strengthen us and give us joy in spite of how we feel physically.

Enjoy Christmas everybody !

Gabi ng Parangal ng 2011 Philippine Blog Awards

by Anna Katharina on December 4, 2011

in Blogging,Events

Tatlong araw bago ang Gabi ng Parangal ng 2011 Philippine Blog Awards, lang namin nalaman na and Brinknotes  Podcast Network ay finalist sa videocast /podcast category ng  2011 Philippine Blog Awards. Ito ang pangatlong pagkakataon na nominado ang podcast site ni Jeric Pena.

Magkahalong tuwa at pagkabalisa ang aking naramdaman , siyempre ang pakiramdam nga naman ng isang ina pagka ganito ang nangyayari sa anak.  Sa isang banda, takot din kasi baka hindi manalo , eh talent din kasi ako dun sa onlineDoktora.

Kami ay naghanda para sumali sa parangal, na sa aming isip ay okay lang kahit hindi manalo kasi, mayroon na namang siyang award noong 2009, kaya lang hindi kami nakadalo dahil sa kanyang klase at traffic noong araw na yon.

Maayos ang mga paglalahad sa programa, puno ang RCBC auditorium ng mga bloggers at kanilang mga kasama, at gusto ko ang pag-uulat noong emcee na si Ms. Gang Badoy, simple lang ang mga kaganapan sa programa, pero napakalaki ng kabuluhan nito sa lahat ng nanalo noong Gabi ng Parangal.

Nagsalita si Mr Juned Sunido ang pangulo ng PBA, pina alam niya ang plano ng PBA para tumulong sa communidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Habitat for Humanity. Akmang-akma sa “bayanihan “ na tema ng  2011 PBA.

At nangyari nga na nanalo uli ang Brinknotes Podcast sa pangalawang pagkakataon. Buti na lang di ako naiyak,nanginig at nanlamig ng konti pero siyempre proud mom ako. Mayroon pa ako kasamang bonus, nanalo ako sa raffle ng isang Nokia 500 cell phone.

Salamat sa PBA sa pagkilala nila sa mga taong ibinabahagi  ang  kanilang talino, kaalaman at panahon para lumikha ng mga bagay at paraan na magpapakilala sa atin bilang Filipino.

Mga Listahan ng Nanalo  sa 2011 Philippine Blog Awards