ARAW NG MGA GURO SA BUONG MUNDO

by Anna Katharina on October 5, 2010

in Events,Newsbits,School,Tagalog Blog


World Teachers‘ Day 2010 “Recovery Begins with Teachers”

Pinagdiriwang ngayon Octubre 5, 2010 ang Araw ng mga Guro sa Buong Mundo. Binibigyang pansin natin ang mga guro  para sa kanilang natatanging papel sa paghubog sa mga bata, kabataan o matanda man.

Matagal din akong napabilang sa mundo ng pagtuturo para sa aking mga mag-aaral, pasyente at higit sa lahat sa aking mga anak. Kabilang pa dito ang aking panunungkulan sa Kagawaran ng Edukasyon sa loob ng 15 taon at duon nakasalamuha ang mga pampublikong mga guro at mag-aaral. Nakita ko ang kalagayan at mga dapat gawin para mahikayat pa na pumasok sa paaralan ang nakakarami.

Hindi kaila ang naging ambag ng bawat guro na nagdaan sa natin sa pagtatapos ng ating mga kurso. Ganito ang kalagayan ko ngayon dahil din sa kanilang paghubog na itinuro sa akin.

Ngayon na ako’y isang guro din, ang pasasalamat ay hinahandog ko sa aking mga naging mag-aaral. Napakarami na nila, malamang ang iba ay nasa ibang bansa na at nagpapatuloy na maging masikap at matagumpay.

Salamat at dahil sa inyo natuto akong maging guro na makabuluhan para sa makabagong panahon.

“A teacher’s purpose is not to create students in his own image,

but to develop students who can create their own image.”
Anonymous

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

{ 2 comments… read them below or add one }

crystal cate sandigan September 6, 2011 at 5:47 pm

happy teachersday

mariel September 6, 2011 at 5:57 pm

happy teacher day to all teacher god bles u all

Leave a Comment

Previous post:

Next post: