Pinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing Agosto. Ang paksang diwa sa kasalukuyang taon ay “ Sa Pangangalaga sa Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan”.
Kaugnay ng Buwan ng Wika, minarapat ko na magsaad ng ilang mga kasabihan na madalas sambitin ng mga ninuno natin kung tayo ay pinapangaralan.
Ang kahoy hanggat malambot
Ay madaling mahuhubog,
Kung lumaki at tumayog,
Mahirap and pag hutok.
Ang anumang gagawin
Makapitong isipin
Ang gawa sa pagkabata
Dala hanggat sa tumanda
Ang bayaning nasusugatan
Nag iibayo ang tapang
Sa kabang nakabukas
Matutukso kahit banal
Kahoy na babad sa tubig,
Sa apoy huwag ilapit
Pag nadarang sa init
Sapilitang magdirikit
Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin


